Friday, January 16, 2009

Anong wika ba ang panturo?

Mayroong dalawang bills sa Kongreso tungkol sa wikang panturo. Isa ang Gullas Bill, na Ingles ang nirerekomendang wikang panturo, at isa ang Gunigundo Bill, na nagsasabing dapat ay ang wikang kinagisnan ng estudyante ang gamitin. Nakakairita itong paulit-ulit na pagtalakay sa gagamiting wika sa pagtuturo. Simple lang naman yan. Turuan mo ang bata gamit ang wikang alam niya para maintindihan niya ang itinuturo mo. Bakit mo gagamiting panturo ang wikang Filipino o Ingles sa isang batang lumalaki sa isang komunidad na ang sinasalita niya at ng kanyang mga kasama ay Ilokano? Makakatulong ba iyon? Mas magiging kapaki-pakinabang para sa bata kung sa Ilokano mo siya tuturuan. Sa dinami-dami ng mga pag-aaral na nagsasabing mas natututo ang bata kapag wikang naiintindihan niya ang ginagamit sa pagtuturo, may nagpupumilit pa rin na Ingles ang gamitin. At itong mga nagpupumilit na Ingles ang gamitin ay hindi naman mga guro. Hindi nila alam at nakikita ang kalagayan ng mga estudyante.

Ano ba?

Makinig na lang kasi kayo dun sa nakakaalam. Huwag na kayong makialam pa.

6 Comments:

karmi said...

naku, lumalabas ang pagkateacher mo ate.. puso mo...

naku, matagal nang issue yan. hanggang ngayon pala.. tama, mas walang matututunan ung mga bata kung ipipilit na turuan sila sa wikang di naman nila gamay. tsk. sabihin nyo, sila na lang magturo.. :P hehe. :)

ps.
opo, jowa ko na si komski. ^_^

manilenya said...

hehehe pagpasensyahan mo na..wala kasi silang maisip gawan ng bill e :)

Linguist-in-Waiting said...

Tama ka diyan Diosa. Dapat mayroong isang lupon ng mga tao na ang layunin ay palaguin ang iba't-ibang mga wika ng ating bayan. Katamaran lang ang nasa puson ng mga taong nagsasabi na Ingles dapat ang wikang panturo. Walang masama sa pag-aayon ng iba't-ibang mga wika sa kasalukuyang kapanahunan. Ang tanging suliranin ay salapi. May mga mas mahahalagang pinagtutuunan ng pansin ang pamahalaan natin kaysa sa pagpapayaman at paglilinang ng ating taal na wika.

ghee said...

welcome back sa tin!!weeeee!!

oo nga noh?kaya nga nakakatawa yung mga nagtuturo ng ingles na hindi marunong mag hapon...paano silang maiintindihan ng mga bata?

hay,makinig na nga lang sa experts...

Hapi said...

Hi there... want to change your favicon? find out how.. Have a nice tuesday!

Hapi said...

Happy Wednesday! Bloghoppin' here... Hey, I have an interesting tutorial for you that I have written myself. It is about adding Adsense on your Single Post in XML template. I hope you'll like it! God Bless you!

blogger templates | Make Money Online