Monday, February 09, 2009

Best Bday Gift

Feb. 6 pa lang, nagstart na ang selebrasyon para sa aking 29th bday. At natanggap ko mula sa aking students ang pinaka-nakakaantig na regalo.

Binigyan nila ako ng surprise party na kumain sa oras ng lecture ko about syntax. Siguro ayaw lang nilang makinig ng tungkol sa syntax kaya nagplano sila ng program.

Meron silang 29 na surprise. Lahat sila nagbigay ng testimonial (parang friendster!). At doon naman ako tinamaan ng todong-todo. Lahat ng sinabi nila ay gagawin kong fuel para patuloy na tumakbo ang aking makina. Meron pala kasing saysay ang aking ginagawa. At naipapaabot ko sa kanila kung ano man ang gusto kong sabihin at iparating. Sa mga panahong nagkakanda-kumahog ako sa pagprepare ng lektur at ng gimik para sa klase, isipin ko na hindi ito masasayang. Sa mga araw na tatamarin akong pumasok at magturo, palagi ko na lang maiisip na may naghihintay sa akin para makinig at matuto.

Pagkatapos naming mabusog sa hinanda ng aking mga estudyante (may 29 na cupcakes, may sansrival na favorite cake ko, may palabok, at may pizza!), narealize ko na nasa tama ang pinili kong gawin sa aking buhay. Masarap ang pakiramdam na may nagsasabi sa iyo na may katuturan ang ginagawa mo.

Tuesday, February 03, 2009

Love month

Gusto ko lang ipaalam sa lahat na Pebrero ang pinakapaborito kong buwan sa buong taon. Birthday ko e. In a few days, I will be one year older. Yahooo! Kahit walang pinagkakatandaan, ok lang.

Sa lahat ng mga friends ko na magbibirthday din ngayong buwan, Maligayang bati sa inyo!

Kahit madalas sinasabi na kulang-kulang tayo, WE ROCK (labas dila, sabay senyas ng kamay!)!!!

blogger templates | Make Money Online