Wednesday, May 31, 2006

ang gastos ko ngayong buwan. labas ng kyoto, party, bili ng libro at bili ng laruan tulad nito

Photobucket - Video and Image Hosting

ang luho ko dito. pero ito yung mga laruan na hindi nabili ni nanay at tatay para sa amin. nangangapitbahay pa ako nung elementary para lang makalaro ng CONTRA at MARIO. para kahit papaano ay ma-satisfy ko ang deprived kong kabataan.

pero simula bukas, papairalin ko na ang pagka-ilocana ko. balik sa pagtitipid ang buhay...

hindi na yata ako marunong magalit.

kahapon, nagpunta ako sa akashi, hyogo prefecture para makipagkita sa isang professor ng department ko sa pinas. may ka-department din ako sa osaka at napag-usapan naming magkita sa akashi station. nagset sila ng oras, 2pm. walang problema sa akin dahil wala naman akong klase kahapon.

mula dito sa kyoto hanggang akashi ay may train na 67mins lang. pinakamabilis na ito at pinakamahal din. nasa 1500 yen. late akong lumabas ng bahay. mas malapit ang osaka sa pupuntahan namin kaya napagdesisyunang sa mahal na train na lang sasakay para umabot sa usapan. dahil nakakahiyang malate.

20 mins after 2pm nasa meeting place na ako. late na. pero mas late yung mga ka-meeting ko. dumating sila after 4pm na. halos dalawang oras akong pinaghintay.

habang umiinom ako ng macha (green tea) frap sa starbucks binabasa ko yung dala kong libro. hindi ako makapagconcentrate dahil kung ano-ano ang iniisip ko dahil sa late ang mga kausap ko. may ibang oras talaga ang pinoy (napag-aralan ko ito sa isang intercultural class ko). bakit kayang maging on time ng pinoy kapag hindi pinoy ang kausap nila. porke ba pinoy ang kausap e normal lang na ma-late. sayang ang oras ko, etc. etc.

pero nung dumating ang mga kausap ko, at nagpaliwanag, wala na akong nagawa. hindi ko na pinamukha sa kanila na sila ang nagset ng oras pero hindi nila kayang sundin, na kung sana may ibang usapan sila e tinantya naman nila yung oras para naman hindi naabala ang taong kausap nila. kasi wala rin namang patutunguhan kung magmamatigas pa ako at magtatampururot kuno. parang masyado na akong matanda para diyan.

nailalabas ko yan ngayon pero hindi ibig sabihin na galit ako. kasi nga di ba, hindi na yata ako marunong magalit.

Monday, May 29, 2006

paano nagsisimula ang isang bagong linggo sa inyo?

ako, pag masustansya ang kinain ko ng nakaraang gabi, gigising ako sa tawag ng kalikasan. pagkatapos, bubuksan ang laptop, magtitingin ng email. magsasign-in sa YM at titingnan kung sino ang nakaonline. kapag wala ang kapatid o ang boyfriend, magsa-sign-out muna o kaya mag-iinvisible mode. hindi pa ako friendly sa mga oras na ito.

magpapakulo ng tubig para sa kape habang nagbabasa ng email. titingnan ang blog kung may nakaalalang magpost sa chatbox. at magbabasa ng news.

habang iniinom ang kape o kumakain ng cereals, binabasa ang news sa pinas. at dahil puro hindi maganda ang balitang nababasa, nag-iisip ako kung paano ako magiging part ng solusyon o paano makakatulong sa tamang panahon.

at sa pag-iisip ng mga ganyang bagay mauubos ang 24 oras ng isang araw.

Friday, May 26, 2006

今週から一つの投稿を日本語で書こうかなと思ってるの。これはうちの日本語の勉強になるため。
日本に来て大学院入ってから、3ヵ月の後2年間になるんですけど、日本語能力は来る前と同じぐらいかな。ということは、全然うまくなってないの。だって、授業はほとんど英語でやってるし、日本語で行う授業は少なくし、レポートも全部で英語なの。

ちょっと恥ずかしい。

まあ、最初の日本語での投稿だから、ここまでです。書くこともないからね。

今度こそ、真面目に日本語で書くぞ!

LIW、これを呼んでたら、もし文法的な間違いがあれば、例えば、助動詞--ずっと苦手なの--教えてね。今年、能力試験取ろうと思ってる。あまり、厳しくしないでね、すぐ傷つくから、うちは。 v(^_^)v

i just realized i'm so reddish today.

am wearing a blouse with red, blue and green strips, maroon pants, red rubber shoes, maroon watch, brownish red eyeglasses.

namumula rin ang mata ko sa puyat.

at red cheeks din ako dahil sa mga tigyawat.

guess niyo kung anong favorite color ko?

kahit anong shade ng

- - B L U E - -

Thursday, May 25, 2006

Mabuhay ang YouTube!!!

Kung hindi dahil sa mga matitiyagang nag-a-upload ng clips ng kung samu't-saring ano-ano, hindi ko mapapanood ang feature ng I-Witness na Pepe's Myth. Sana lang maging regular ito. Sa lahat ng episodes ng I-Witness.

At dahil sa natuwa ako nang napanood ang feature na iyon, nagbakasakali akong nagsearch ng Bulagaan (ng Eat Bulaga) at ng Balakubak (ng Nuts Entertainment). At hindi naman ako nabigo.

Ang mga maliliit na kasiyahan sa buhay.

Suportahan ta ka.

Wednesday, May 24, 2006

siyam na buwan sa sinapupunan
sangkatutak na ire kailangan
sa isang tingin, mamahalin
lahat para sayo'y aakuin

blogger templates | Make Money Online