Tuesday, February 12, 2008

Nagbirthday na ako!

Lumipas ang Feb. 8, 9, 10, at 11 nang hindi man lang ako nagpaparamdam dito. Birthday ko pa naman nung Feb. 8, at tumanda na naman ako ng isang taon. 28 na ako.

Mas excited pa sa akin si paeng bago ako magbirthday eh. Nauna pa siyang magbirthday leave. Sarili niyang idea yun at hindi ko siya pinilit o inawitan o ano pa man. Marami kasing nag-iisip na under daw siya sa akin. Hindi po iyan totoo. Kahit makarating pa tayo sa Senado, pasisinungalingan ko iyan.

Dahil nagmaganda na sa paglileave, nagdesisyon na rin ako na umabsent nung Friday. Hindi kami nagcelebrate buong araw. Inasikaso namin ang mga legal docu para sa kasal. Nag-apply kami ng lisensya tapos nagseminar tapos habang tinatayp ko ito naaalala ko na naman yung video na pinanood namin. Tungkol lang naman sa panganganak at abortion. Haaaay.

Tapos pumunta kami sa Gazebo Royale sa may Visayas Avenue. Venue siya para sa kasal. May tinugtugan kaming batchmate ng isang friend. Inisip ko dati na mag-inquire diyan sa Gazebo para sa reception venue. Maganda kasi ang pictures sa website. Tapos may nakapagsabi sa akin ng presyo at kinalimutan ko na siya. At nung pumunta nga kami, parang hindi naman ganun kaespesyal (hindi ako bitter!). Chenes lang... May ilaw-ilaw lang ang mga puno.

Valentine's Day na in two days. Wala akong gimik. Hindi ko rin iniisip. Masyadong maraming gawain na kailangan ding pag-isipan. Babalitaan ko na lang kayo.

0 Comments:

blogger templates | Make Money Online