Sunday, February 03, 2008

Pebrero na!

Grabe na ang bilis ng oras! Ilang entries ago lang, nagbabatian tayo ng Happy New Year! Ngayon Happy Valentine's Day na! Well, malapit na, pati ang Chinese New Year. Napakadaming nangyayari sa paligid-ligid ng bahay kubo namin.

*****
Pumunta kami kahapon sa baby shower para sa aming friend dun sa may paseo center. Nagkukuwari pa kaming away sumali sa mga games pero in the spirit of fun, go kami. Nasalihan namin ni Paeng ang paggawa ng diaper gamit ang tissue paper. Siyempre siya ang lalagyan ng diaper. E mali ang idea ko. Bahag ang nagawa ko! So para naman mas lalong naging katawa-tawa, nilagyan ko siya ng tissue-sash! Por dat, nanalo kami! Hahaha!

*****
Pagkatapos namin sa baby shower, pumunta namin kami sa jupiter street para maki-celebrate ng birthday. Binigyan namin ng surprise party ang aming Japanese friend. Magkasama na kami nung umaga at ang akala niya ay sa lunes na ulit kami magkikita. Sobrang surprised siya! May balloons pa kami, party hats, torotot, etc. Kasama namin ang mga younger teachers kaya naman napaka-energetic ng lahat. Natapos kami ng alas-onse na yata.

*****
Bago ang lahat ng mga party na yan, tumanggap muna ako ng sakramento ng kumpil. Yes, as of writing, confirmed na po ako! Nagkaraoon ng isang seminar na higit isang oras tapos yung ceremony na. Sa Binondo ako nagpakumpil. Nahirapan pa akong maghanap ng ninong at ninang! Buti na lang maraming kapitbahay.
Nakakatuwa yung nagseminar sa amin. Halos lahat pala ng kasama ko na magkukumpil ay couples na. Iisa ang bata at siya ang OP. Hahaha. At dahil tapos na yan, pwede na rin akong tumanggap ng sakramento ng matrimonya. Waaaaah!!!!

1 Comment:

Cielo said...

hi ria, thx to this post, naalala ko bigla na pakumpilan ang aking ishi :)

blogger templates | Make Money Online