Tuesday, January 29, 2008

Bunga ng color-coding

Isang oras pa bago ako sunduin. Mag-isa na lang ako dito sa kwarto namin na amoy na amoy pa ang pintura. Wala na akong machika. Lahat sila umuwi na. Gusto ko na ring umuwi. Nagluluha na ang mga mata ko sa pagod. Masakit na ang balikat ko. Pakiramdam ko Biyernes na kahit Martes pa lang talaga. Pebrero na sa Biyernes at isa't kalahating buwan na lang ang mga klase. Ibig sabihin, kailangan na namang gumawa ng mga eksam tapos kailangan pang itsek ito pag nasagutan na.

Walang katapusang trabaho. Buti na lang sa pagtuturo maraming bago. Kahit na minsan nagiging routine ang mga gawain (maghahanda para sa klase, magtuturo, magpapaeksam, magtsitsek) iba pa rin kaysa magtrabaho ka ng 8-5 sa isang kumpanya.

Hindi ko na matuloy ang kwento ko. Hilo na ako. Ang tagal ng oras.

0 Comments:

blogger templates | Make Money Online