Tuesday, January 15, 2008

Mga bagay-bagay

I'm blogging from school. Ang koneksyon dito ay kaduda-duda. Hopefully ma-iupload ko itong entry ng walang problema.

So kumusta naman ako? Eto, nangangalahati pa lang ang unang buwan ng bagong taon, natabunan na naman ako ng trabaho. Hindi ko naman masasabing nagkakatam ako dahil buong araw naman akong gumagawa ng makabuluhang bagay. Yung pagod ko ngayong araw ay kadugtong pa ng pagod ko kahapon. Kaya naman para makapagrefresh ng konti, sulat muna ako dito.

Masyado yata akong maraming tinatanguan na trabaho. Fifteen units ako dito sa department namin, Wednesday sa Makati at simula Jan. 26 magkakaroon na kami ng extramural classes for Japanese. Siyempre mga panalong teachers ang maghahandle niyan. Kung may interesado, tawag lang po sa Departamento ng Linggwistiks 9269887 (Magpromote ba?). At meron pa, simula naman Pebrero involved na naman ako sa Japanese for nurses/caregivers. Naiinis ako minsan sa sarili ko dahil hindi naman ako go for JPEPA ang drama ko. Pero itong field na ito ay magfoflourish kapag pumasa ang JPEPA. Conflicting. Source of income para sa iba, pero mapapasubo naman ang mas nakararami. (More on this kapag naayos ko na ang aking views).

Nakakainis dito sa skul. Pagkatapos ng magarbong opening para sa centennial year, wala na masyadong activity. Hindi naman ako palaging interesado sa mga lektyur. Walang concert, free films at kung ano-ano pang free na bagay. Hahaha, yun lang pala ang habol.

Nakakadalawang ulit na ako ng Coffee Prince. Member na rin ako ng isang grupo sa multiply para sa lalaking bida ng drama. Ayun, inlab ako at kilig sa tuwing mapagkukwentuhan namin siya. Tapos itong picture sa desktop namin, pinalitan ko na ng picture ni Gong Yoo. Dati Prince of Tennis ang desktop pix namin. Yung mga tao dito sa picture ay nabubuhay sa drama at anime!

Hay napakarandom ng entry. Hopefully, makapagpost ako ng something na may sense sa susunod.

0 Comments:

blogger templates | Make Money Online