Sunday, January 06, 2008

Barkada Meet

Sa barkada ko nung hayskul, ako na yata ang may pinaka-maraming absent tuwing magkikita-kita. November at December 2007 nagkita-kita sila na hindi ako nakasama. Sayang nung mga panahong iyon kasi may malaki na akong balita na ise-share ko sa kanila. Ayaw ko namang sa text lang ibalita ang mga bagay-bagay kaya after new year, nagtext ako at sinabi ko na gusto kong magpapresscon dahil may announcement! Ha! Feeling artista!

Nagiging doble at triple talaga ang kasiyahan kapag naise-share mo ito. At iyon nga ang nangyari kagabi. Dalawa ang kulang sa amin, yung isa may trabaho at yung isa nasa ibang bansa.

Kahit tumanda na siguro kami, meron at merong hindi na magbabago sa amin. Para pa rin kaming hayskul!

0 Comments:

blogger templates | Make Money Online