Thursday, January 10, 2008

UP@100

The Centennial Year officially opened last Tuesday and I was there to witness it! Aba, once in 100 years lamang ito kaya naman kailangan talagang masaksihan. Alangan namang hintayin ko pa ang susunod na celebration di ba?
Buong UP communitu ang nasa festive mood. Classes and offices were suspended. At hindi nag-Trinoma lang ang mga estudyante!
Nagkaroon ng motorcade, ng dragon dance, ng helicopters na naglalabas ng confetti at balloons, ng skydiving, ng pagpapasa ng ilaw sa sulo, ng concert at ng fireworks (na worth 3m daw). May mga masasayang side comments sa lahat ng sides ko. Marami akong alumni friends na nakita. Sobrang saya.
Isa sa highlight ng event ay ang torch passing, o kung ano man ang tawag dyan. Nagsimula sa isang 100-year old alumnus. Mula 1908 hanggang 2007! 100 torch bearers! At ang ganda ng effect dahil umikot sila sa UP oval at hindi sinindihan ang mga street lights. Nung malapit nang matapos, para silang may hinahanap na aswang. HAHAHA!
Sa dami ng kinuha kong pictures, eto lang muna ang maibabahagi ko sa inyo.

1 Comment:

ann said...

Napanood ko nga yan sa Unang Hirit sa gma.

blogger templates | Make Money Online