Monday, January 07, 2008

Walang Tulog

Lunes pa lang, pagod na ako. E kasalanan ko din naman. Magpakaumaga ba naman ako sa panonood ng drama e. Feeling ko nasa Japan ulit ako (isa kasi ito sa mga hobby ko dati). Mabigat ang mga mata ko. Medyo masakit ang ulo ko.

Sila ang mga salarin!

Yoon Eun Hye bilang Andy at Gong Yoo bilang Arthur sa Coffee Prince.

Ang taas ng kilig factor nito. Matagal na akong di nakakapanood ng mga Asian drama at ito, irerekomenda ko talaga sa inyo. Ibang Koreanovela ito. Hindi mamamatay ang isa sa mga bida. Wala siyang sakit. Kaya go na. Hanap na ng DL sites o kaya pirated dvd. Wag lang papahuli! Joke!

(Ang mga litrato ay mula sa Drama Wiki)

0 Comments:

blogger templates | Make Money Online