Friday, January 18, 2008

Anong araw na ba?

January 18, 2008. Bakit kailangang i-mention? Eksaktong tatlong buwan bago ang KTD 2008. Nasa first stage pa lang kami ng planning. Hanggang ngayon, simbahan pa lang ang napareserve. Ang dami pang kailangang gawin:

1) Una na dyan ang pagpapakumpil. Wala akong mahanap na ninong at ninang na makakasama ko sa Binondo! Sa Feb. 1 dapat nakumpilan na ako.

2) Legal Documents. Birth certificate, CENOMAR, inaayos pa lang. Sana next week meron na. May seminar pa yata kasi sa city hall. Ewan ko ba.

3) Reception venue. Within UP na lang. Pinuntahan namin kanina ang Balay Kalinaw. Hindi ko nakita yung function room kasi may gumagamit. Bukas, pupunta kami dahil may reception. Sana ok lang.

4) Food. Wala na bang mas mumura pa sa 350/head? Magfufood tasting kami sa CCME. Sana ok. Sila na ang pinaka-affordable na nakita namin.

5) Guest list. Hindi pa final. Sumasakit ulo ko at nagkakainisan kami sa bahay eh.

Damit, invitations, favors, at madami pang iba na hindi pa nasisimulan. Bakit ang daming kailangang ayusin?! Imbey!

2 Comments:

A Simple Life said...

lol, ganyan talaga ang ikakasal, daming dapat ayusin, pero exciting naman. good luck.

have a nice week ahead.

Liza said...

Hi Ria ako uli ito galing sa isa ko pang blog. May tag ako sa yo http://mlizcochico.blogspot.com/2008/01/crazy-8s-meme.html, alam ko busy ka kaya gawin mo na lang kung feel mo hehe. Take care.

blogger templates | Make Money Online