Sunday, March 02, 2008

Looooong Update

School stuff, raket, translation, at kasal. Yan ang dahilan kung bakit matagal akong hindi nakakapagsulat dito. Pero ito balik update dahil sobrang dami kong ginagawa at kailangan ko ng break.

Kahapon, simula ng March buong araw kaming nasa labas ng bahay. Una, pumunta kami sa simbahan para sa canonical interview. Yehey! Naka-skedyul na rin ang tatlo pang seminars na kailangang puntahan. 7 weeks na lang pero ngayon pa lang kami maraming naa-accomplish.

Dahil maagang natapos ang interview, pumunta kami sa Teacher's Village para mapuntahan yung videographer/photographer na withing our budget. Natuwa naman kami kaya meron nang magkocover ng kasal. Yehey(2x)! Siguro yung gagastusin namin para sa coverage ay 10% lang ng total cost ng mga nakita naming videographers sa bridal fair! Grabe dun. Album, video, ek-ek ay apat hanggang limang buwang sweldo ko! Over di ba? Hindi reasonable. Kahit siguro hindi kami mahigpit sa budget eh hindi pa rin namin iko-consider yun.

Naglunch kami sa Morayta na dahil may klase si Paeng. Sit-in ako sa klase niya. At nakatapos ako ng 3 set ng exam na natsekan. Yehey (3x)! Pagkatapos ng klase, dumaan muna kami sa Intramuros para kunin ang dvd (orig po!) na gagamitin ko sa klase.

Bago umuwi ay pinuntahan namin ang isang caterer na nakilala namin sa bridal fair. Bagong catering service pa lang sila. Nagsimula sila sa pagluto ng palabok na umabot ng 35 years! Tapos nagtatry sila ngayon sa mga mas malalaki pang functions. Panay ang tawag ni Ms. Amie kay Paeng, na medyo nakukulitan na. Pinag-usapan namin ang pros and cons kung iko-consider namin sila. Pero ang naging deciding factor namin ay wala nang iba kundi ang budget. Hehehe. Mapapakain namin ng 6 na ulam ang bisita namin na pasok sa budget. Yehey (4x)! At may cake na rin kami. Jonis! Yehey (5x)! At nagsuggest pa si ms. amie ng mga kakilala niya sa may divi para sa damit. Yun naman ang aayusin namin ngayon.

Yan lang muna. Sa susunod ulit.

3 Comments:

Cielo said...

aha at mukhang may kasalanan na magaganap dito.....enjoy the preparation...

Linguist-in-Waiting said...

Bakit ikakasal lang, may seminar na requirement pa? Para saan?

rHo said...

gudlak sa pag-aayos ng wedding!!! :)

blogger templates | Make Money Online