Sunday, April 06, 2008

Updates!

Dami kong nagawa at ginagawa. I-bullet na lang muna natin para may ayos kahit papaano.

1. Nagdistribute na kami ng invitations (FINALLY) na pinaghirapan namin ng sis ko. Mas pinaghirapan ng sister ko, actually. Naging dahilan din ang invitation ng unang sagutan namin ni kafatid. May sigawan at crying drama pa ako. Maganda naman ang kinalabasan ng aming invitation (dapat lang!).

2. Nagcut ako ng mga papel para sa souvenir naming pencil holder (halata bang teacher kami pareho?). Sa isang bond paper may 12 na squares na kailangang gupitin. Mayroon pang naghihintay na kalahating ream. Magandang cutter ang drama ko bukas sa opis ni paeng.

3. Kinuha ko yung gown ko at damit ng entourage. Hindi pala pwedeng isukat yun. Hahaha. Ayun, maganda ang gown ko. Di ko lang sure kung maganda ako sa damit. Nyek! Sa 18th ko pa malalaman.

4. Natapos na namin ang seminars sa church. Huli kanina, yung precana seminar. Masaya acutally ang aming experience dito. Sa April 15 ang aming confession.

5. Kailangang magsulat ng aming lovestory (ria and paeng version), likes sa partner at challenges na sa tingin namin ay aming dapat ma-overcome. Stuck nga ako sa lovestory kaya nagblog muna ako. Di ko alam kung ikukuwento ko objectively o kung lalagyan ko pa ng kilig factor.

Sa kasal pa lang yung nasa taas. Meron pang work-related.

1. Hindi ko pa tapos ang magsubmit ng grades online. Kailangang sa Tuesday maayos na yan. Dalawang sections na lang naman yata.

2. Umaattend ako ng lectures tungkol sa Linguistics. Last week ang may namiss akong 2 araw dahil sa may meeting ako. Sayang naman ang pagkakataon.

3. Kailangan ko ring ayusin ang schedule ng klase ng aming department para sa first semester. Windang... Magbabago pa ang skedyul ng klase sa UP from MonThurs at TuesFri na sked, magiging TuesThurs at WedFri na. Dahil iyang sa palaging natatamaan ang Lunes ng holiday economics. Mawawalan tuloy ng midweek rest ang students at teachers.

4. Kailangan ko ring ayusin ang aking application para sa PhD. Yes po. Nagdesisyon na akong ituloy ang pag-aaral.

Ayan, pwede na akong magsulat ulit ng version ko ng aming labstori. Hehehe.

2 Comments:

Vince in Kyoto said...

Wow! Andami talagang kailangang asikasuhin kung magpapakasal. May seminar-seminar pa. Alam mo bang parang ayaw na magpakasal ng dati mong roommate dito dahil sa seminar na yan? LOL

Pictures ha!

ria said...

well, kailangang gawin e. nagtatanong nga si nics tungkol dyan e. ganun lang talaga yun :)

blogger templates | Make Money Online