Friday, January 30, 2009

Batanes... babu huhu

Nakaskedyul kaming umalis para sa Batanes sa Feb 13, at hanggang Feb 16 kami maglalamierda sana doon. Last year pa kami nakapagpabook dahil promo at talaga namang excited ang grupo namin.

Sasakay dapat kami ng Zest Air. Nitong mga nakalipas na linggo, maraming hindi magagandang balita tungkol sa kanila. Nagkakatakutan kaming grupo. Pero siyempre, excited pa rin kaming pumunta. Batanes iyon eh.

Kaso kahapon, nagcancel na ang Zest Air ng lahat ng flights para sa Pebrero. Kawawa naman kami. Nalulungkot tuloy ako. Ito kasi ang scheduled unang alis namin for the year. Celebration pa ng aming mga birthday. Ganyan siguro talaga. Kung hindi kami sa Batanes pupunta, saan naman kaya kami mapapadpad?

2 Comments:

Linguist-in-Waiting said...

Bakit nacancel? I actually tried booking for Batanese flights and the search engine tells me that "flights are full" all the way until May? Bizarre.

kegler747 said...

"flights are full" eh same ng NO FLIGHTS, kinda deceiving nga. Just hold on your tickets, ibabalik naman ng Zest Air i think yang batanes nila in time for the summer. Pwede nyo yan iparebook without additional charge pag meron ng sked ang Zest Air ng trip sa summer. At least u are assured of good weather sa April or May sa Batanes.

blogger templates | Make Money Online