Monday, January 26, 2009

Happy Moo Year!

Maligayang bagong taon (ulit) sa inyo. Binabati ko ang mga taong nag-oobserve ng Chinese New Year, ganun din ang mga taong kailangan ng bagong simula. Sigurado akong marami pa ring tao ang windang at ngayon pa lang nakaka-recover mula sa pagod at saya noong holidays. Kasama ako doon. Kaya naman ngayon pa lang ako magpopost ng aking New Year's Resolution (in random order).

1. Magbasa ng isang article o isang chapter ng libro na may kinalaman sa Linguistics bawat araw. Kailangang maging maalam ulit o magkaroon man lang ng idea sa mga bagong ginagawa sa napili kong field. Sa ngayon, isang dangkal ang ng articles ang kailangan kong basahin para sa isang course: historikal na pagkokompara ng mga wika sa Pilipinas. Masaya at madaling intindihin ang ilan, pero may ibang author din na nakakawindang basahin.

2. Magpunta sa isang bagong lugar kada buwan o sa isang lugar na matagal na matagal ko nang hindi napapasyal. Hindi naman kailangan out of town o sa ibang bansa. Halimbawa, sa QC di pa ako nakapunta sa Parks and Wildlife, sa La Mesa Dam. Sa Paco, hindi pa ako nakapunta sa Paco Park. Mga simpleng bagay. Hindi kailangang maging magastos.

3. Bawasan ang gastos. Huwag bumili ng mga hindi kailangan. Huwag bumili ng damit na masikip ng konti. Minsan kasi bibili ako ng damit na medyo masikip sa pag-asang magiging motibasyon ko ito para pumayat. Well, hindi magandang motibasyon.

4. Gawin ang mga aktibidades na na-oo-han na. Walang mga rason-rason. May mga taong umaasa sa atin.

5. Maglista sa to-do list na tama lang. Kailangan lahat ng ililista ay magagawa.

6. Huwag masyadong supladahan ang mga estudyante. Maging pro-student. May mga pagkakataon kasi ngayon na hindi ko naiintindihan ang mga mag-aaral. Pipilitin kong intindihin sila.

7. Magpractice ng healthy living. Kapag may kainan, huwag magpakasuba. Kumain lang ng tama.

8. Kung may nangangailangan at kaya ng powers ko huwag mag-aatubiling tumulong. Tandaan ang no.4 at no.5 sa itaas.

9. Huwag matulog agad. Magbasa bago matulog. Ang daming nangyayari sa paligid, kailangang maging aware kung ano ang mga ito.

10. Mag-ipon.

Meron din ba kayo?

1 Comment:

ghee said...

Happy Moo Year din,Ria!

natawa ako sa #7! :)
pero talaga,malaking size na ang pantalon mo?paano yan pag nagka baby ka na? tama ka dun,pakonti konti lang ang kain at kailangan ay nasa tamang oras.kaya mo yan!

shiawase butori janai? :)

ghee

blogger templates | Make Money Online