Friday, December 28, 2007

Panalong Planner

Bilang regalo ng aking mga kapatid (na nadaan sa pilit) ay binigyan nila ako ng Jollibee Planner. Gumagamit talaga ako ng planner at trip ko siyempre yung mga kyut. Hindi ako nakapaghanda para sa starbucks planner pero may inggit akong nadama nung ayain kami ng aming friend na uminom sa starbucks para makumpleto na yung kanyang stickers. Pero nawala din naman yun dahil sinabi ko kay Paeng na yun ang gusto ko next year.

Tamang-tama isang araw, nakita ko ang commercial ng Jollibee na meron din silang 2008 planner. 30 years na sila at limited ito. Kaya naman hindi ko tinantanan ang aking mga kapatid hangga't di nila ako binibili. Takot lang nila kapag di ako nakakuha nun. Pwede ding naawa sila sa akin.

Ang ganda ng planner ko. Ang saya-saya.

6 Comments:

karmi said...

waaaa.. Jollibee Planner!!!! gusto ko rin nyan..... panalo planner mo ate! :D

may nabili na rin akong planner, planner for procastinators. lol.. hehehe.. tapos ung bestfriend ko dyan, pinadalhan ata ako ng planner din.. ^_^

Happy 2008 sa atin ate! :D

karmi said...

PS.

wala pa akong New Years reso ate.. hehehe, di na ata epektib sa akin un.. pero syempre, magiisip pa rin ako ng kung ano bang reso ko.. :)

kaw ate meron na?

manilenya said...

naalala ko kailangan ko rin palang magkaroon ng planner :(
happy new year sayo!

A Simple Life said...

Kailangan ko rin ng planner, at kakaiba ito, sana umabot pa ako ;)

ghee said...

Hello Ria,

musta ang pasko sa Pinas?siguro mas masaya ka kesa last year na nandito ka sa japan?

yep,naturingang holiday,busy namn sa family bonding..at chaka lilipat pala kami sa sendai next year,after graduation ni haru :)

enjoy the holidays!!

ghee

ria said...

karmi, happy 2008 sa atin. kahit wala nang resolution. let's just strive to be better =) Wala na yang list-list na yan.

ate melai, happy new year!!!! hope maging maganda sa lahat ang papasok na taon, noh?

liz, kain lang sa jollibee. dalawang value meals lang yan :D

mami ghee, sendai? lamig dun di ba? gudlak sa inyong move. hope 2008 brings many good things to u and your family. =)

blogger templates | Make Money Online